Isa po akong Pinoy, OFW kasalukuyan nagtratrabaho dito sa Riyadh City, Saudi Arabia bilang isang account analyst ng KHS. Ang pagsulat/pagkatha/paghabi ng tula o mga tula ay kinagigiliwan ko sa ngayon. Ito ay isang paraan upang aking mapaglabanan ang lungkot na aking nadarama para sa aking pamilya’t kaibigan na naiwan ko sa Pilipinas. Aaminin ko mahirap talaga ang malayo sa pamilya – ito ay isang malaking sakripisyo…Thanks for the visits. Balik uli kayo. Mabuhay!!!

Sunday, November 13, 2005

Hustisya At Katarungan




(For the raped victim ng Subic, Zambales, 2005)

Sa gitna ng kanyang kahinaan
Nangyari ang krimen na walang kapatawaran
Sa loob ng kanyang sariling bayang tinubuan…

Siya ngayon ay nagsusumamo sa mga kinauukulan
At umaasang makamit ang tunay na katarungan
Laban sa mga dayuhang yumurak sa kanyang kinabukasan…

Ito’y ‘di dapat ipagwalang bahala
Ng mga opisyal, husgado ng ating bansa
Dapat lamang usigin silang mga may sala…

Hindi pa huli ang lahat
Nasa kanilang mga kamay ang huling sibat
Na papataw ng kaukulang parusa sa mga nagkasala…

‘Di po ba karapatan ng biktima
Ang makamit ang tunay na hustisya
Laban sa mga dayukdok na gumahasa sa kanya?

Hustisya’t katarungan mabuhay ka para sa biktima
Bigyan mo ng lunas ang pusong nagdurugo’t nasasaktan
Bago tuluyang panghinaan sa sakit na kanyang nararanasan…

Huwag hayaang makawala ang mga lapastangan
Mga mapagnasa sa laman at mahilig sa kababuyan
Dapat silang makulong sa gintong hawla na ‘di mabubuksan!

1 Comments:

Blogger leahm said...

your poem is good and its have a good words and clean that understand of all people.

2:53 AM

 

Post a Comment

<< Home